 |
Building Panorama | Illumina Residences |
Modernong kabihasnan, iyan ang tawag sa pamayanang ating ginagalawan sa kasalukuyan. Dito natin mababatid ang malaking pagbabago sa ating buhay, mula sa pakikibaka sa mga tao, kagamitan, komunikasyon at iba pang iba. Sadyang napakalaki ang naging impluwensiya nito sa atin, kasabay nito ang pagmulat sa ating kaalaman sa paggamit ng modernong teknolohiya na naging kapaki-pakinabang sa pagpapatuloy ng ating buhay. Hindi maikakailang naging madali at mas magaan ang pamumuhay natin dahil sa mga benepisyong hatid nito at higit sa lahat naging daan para sa isang maunlad na pamayanan. Sa dami ng makabuluhang produkto ng teknolohiya na atin ngayong nakikita’t nagagamit, isa marahil ang mga modernong imprastraktura ng mga modernong tirahan bilang isang magandang halimbawa. Ito ay tumatayong isang mahalagang aspeto sa buhay ng tao noon, ngayon at magpakailanman. Ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay isang bagay na maipagmamalaki maging ito man ay elegante o simple lamang. Sa kasalukuyan panahon mayroon ng modernong paraan para magkaroon ng sariling tirahan sa isang eklusibo at modernong komunidad na sa ngayon ay kinikilala at tinatangkilik ng maraming tao, ito ay mas kilala sa bansag na modern residential community na pangkaraniwang ng binubuo ng mga condominium buildings. Ang mga ganitong uri ng tirahan o komunidad ay pangkaraniwan ng taglay ng mga pangunahing lungsod dito sa pilipinas kung kaya’t madali itong nakilala ng mga tao, isa pang matibay na dahilan ang pagkilala sa mga lungosd bilang isang mataong lugar. Ang Metro Manila bukod sa kinikilalang kabisera ng bansang pilipinas ay nagtataglay rin ng ilang bilang ng modernong komunidad. Ang ngalang Illumina Residences Apartment For Rent ay isa sa mga ito na matatagpuan sa V. Mapa St. corner P. Sanchez St. sa Sta Mesa Manila. Ito ay may angkop na lokasyon na malapit sa mga prominenteng lugar tulad ng business areas, commercial sites, famous schools, modern hospitals at maging sa mga main roads. In short it possesses strategic location and views in Manila.
 |
Grand drop-off area | Illumina Residences |
Ang komunidad na ito ay hatid sa atin ng DMCI Homes ang nag-iisang country’s premier home builder/ developer na siyang ring nasa likod ng iba pang modernong komunidad at landmarks. Naging kilala ang pangalang DMCI Homes hindi lamang dahil sa kanilang karanasan, abilidad at husay sa paggawa ng mga modernong gusali bagkus ang paghahatid nila ng mataas na antas ng pamumuhay sa mga tao katulong ang mga modernong establisyemento tulad ng Illumina Residences. Ang paggamit ng iba’t-ibang modernong pasilidad at pamamaraan ang lalong nagpapatingkad sa kanilang mga likha, mula sa mga modern facilities, building features, first-rate amenities and natured-inspired community lahat ay pinagsama upang makabuo ng naiibang komunidad na siyang maghahatid ng magaang pamumuhay sa mga tao. Hindi rin mawawala ang pagtatalaga ng mahusay na Property Management Office na siyang tutugon sa mga pangangailangan ng mga residente, pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan at seguridad sa buong komunidad. Ang ganitong uri ng serbisyo ang siyang tunay na nagpapahalaga sa ating mga sakripisyo at pagsusumikap sa buhay, isang katuparan sa pangarap na magkaroon hindi lamang ng isang eleganteng tahanan dahil kalakip din nito ang iba’t-ibang magagandang katangian na hindi nalalayo sa modernong kabihasnan.
No comments:
Post a Comment